Siya po c Erwyne Camua Eusebio (FB account name), isang OFW nagtatrabaho s Acer Unipac Corporation (AUO Longe-Taiwan) ayon sa kanyang mga kaibigan at ka-trabaho, sya po ay isang Mabait, Tahimik at Talented na tao... October 19, 2015 (morning), ay nagkayayaan silang pumunta sa aspire park pra mag bonding2x o mag inuman ksi off naman nila kinagabihan. Si Erwyne ay nag Collapse sa hindi po maipaliwanag na dahilan.At sa mga oras na iyon nagpasya ang mga kasama niya na iuwi sa dorm upang malaman ng Dorm Coordinator at madala sa pagamutan... "12:30PM nasa Dorm na sila" Ngunit noong pinaalam na nila sa Coordinator at sinabi nila kung anu ang nangyari, Nag request sila na dalhin na sa hospital c Erwyne dahil sa kanyang kalagayan.Pero tinanggihan cla ng Coordinator na dalhin,sa halip ay sinabihan na lamang sila na dalhin na lang sa bakanteng kwarto para makapag pahinga raw.kasi baka napuyat lamang c Erwyne...Ilang beses silang nag request na dalhin na sa Hospital Si Erwyne pra maipagamot,Ngunit nagmatigas ang Coordinator na to' at sinabing kulang lang sa pahinga kasi lasing... Hanggang umalis na ang Coordinator at pumasok sa kanyang sariling kwarto. at kahit unan sapin at higaan ay wlang ibinigay... "around 6:00PM may mga dumating na mga empleyado galing sa trabaho, Marami ang tumingin sa kay erwin na mga kapwa Pinoy, Marami ang nakakita kung anu ang sitwasyon ni Erwyne. Siya ay NANGINGITIM na, ang kanyang mga kamay at paa ay MAPUTLA na at malapit nang tumigas ang kanyang katawan. may mga PINOY na Tinignan kung may PULSO pa xa ngunit may nagsasabing WALA ng Pulso c ERWYNE, sa Makayuwid Isang malamig na bangkay na c erwyne... Nung mga oras na yun Doon palang tumawag ng Ambulance ang Coordinator at nung dumating ang rescue team nag CPR cla pro walang reaction ang katawan ni Erwyne dahil huli na nang ginawa eto.... ..... ..... KAMI PO NA MGA OFW DITO SA TAIWAN AY NANANAWAGAN SA ATING GOBYERNO NA PANAGUTIN ANG DAPAT MANAGOT SA PAGKAMATAY NI ERWYNE, SIYA PO AY PINABAYAAN NG MGA TAOHAN NG BROKER NAMIN DITO.KAMI PO AY NAGBABAYAD NG 1,500 to 1,800 PER MONTH PARA KUNG MAY MGA SAKIT O PROBLEMA SA AMING PAPELES AY SILA PO ANG MAG GUIDE AT MAGPAGAMOT SA AMIN DITO...ANU PO ANG NANGYARI SA SITWASYON NA KAILANGAN NI ERWYNE NA DALHIN SA HOSPITAL???GINAWA NAMAN NG MGA KASAMAHAN NIYA ANG "PROTOCOL" NA ANG COORDINATOR'S MUNA ANG UNANG-UNA NA MAKAKAALAM SA ANUMANG MANGYARI SA MGA PINOY DITO SA DORM...NGUNIT, WALANG GINAWA ANG DORM COORDINATOR'S OR BROKER, SA HALIP AY IPINAGKAIT NILA ANG KARAPATAN NI ERWYNE NA MAGAMOT AT MAIPAGPATULOY ANG MAGANDANG PANGARAP NIYA...TO OUR DORM COORDINATOR'S SIR SIMON, MAAM TINA AT JM MAKONSENSYA SANA KAYO... NAWA AY HINDI BUMALIKTAD ANG IMBESTIGASYON TULAD SA MGA LAGING NANGYAYARI DITO SA DORM... MAY MGA CCTV CAMERA'S DITO NAWA AY MAISIPAN NG ATING GOBYERNO NA MAKAKUHA NG COPY PARA MALAMAN KUNG PANU PINABAYAAN C ERWYNE... SA MISSION-WAY AGENCY NIYA, NAWA GUMALAW-GALAW NAMAN KAYU...WAG NIYONG PABAYAAN NA WALANG MANANAGOT DITO...WAG NAMAN NA PAGKATAPOS NIYO KAMING PAKINABANGAN SA PERA HAHAYAAN NIYO NA KAMI... ..... ....... ....... SA PAMILYA EUSEBIO TAPOS PUSO PO KAMING NAKIKIRAMAY SA PAGKAWALA NI ERWYNE...HINDI PO KAMI MAGPAPAKILALA SA INYO KASI PAG IINITAN PO KMI NILA DITO.NAWA PO AY MATULUNGAN PO KAYU NG GOBYERNO NATIN AT NAWA PO AY MAILABAS NG IBA PANG MGA TESTIGO ANG KATUTUHANAN AT HINDI CLA MATATAKOT...GODBLESS PO.