Sabi ni bruna ayusin ko daw mga sapatos ko bukas. Ayaw nyang maglagay ako sa lagayan ng sapatos. Ilagay ko daw sa ibang lugar. Paano ko kaya magagamit? At saan ko naman kaya ilalagay? Lahat na lang bawal kahit sa ref maglagay lang ako ng mga 3 bagay na akin eh wag daw akong mglagay ng maraming bagay na para sa akin. Pano kaya nya nasasabi na para na nila akong kapamilya dahil mgbebenteng taon na ako sa kanila kung ang mga ganitong bagay lang eh ipagdadamot pa nya? Haizzzttt.....kahirap talaga ng nangangamuhan! Oras na ba para iwanan ko sila?