SINO BA YANG DYOS NA YAN? SINO BA SA BUHAY MO YAN? NI-HINDI MO NGA NAKIKITA, NI-SUMAGOT TWING TINATAWAG MO SYA, TAPOS NAGAGAWA MO PANG SAMBAHIN YANG KAHIT KAYLAN WALA PA NAMANG KAHIT SINO ANG NAKAKITA?" - yan ang madalas na tanong ng isang taong sarado ang puso para sa Panginoon. Bata pa lang ako, kilala ko na ang Dyos. Hindi ko sya kailan man nakita, pero alam kong nandyan sya. Hindi ko kailanman narinig ang boses nya, pero kinakausap ko sya. Hindi ko sya kailanman nahawakan pero sa kanya ako kumakapit pag wala na akong matakbuhan. Hindi nya ko sinisisi pero humihingi ako ng tawad sa aking mga nagawang kasalanan. Wala akong naibigay pero marami akong natanggap. Araw araw akong nakikipagsapalaran sa buhay ng walang armas ngunit patuloy akong nagtataggumpay. Ganito ang buhay ko. At alam kong ganito rin ang sayo. Hindi ako magmamalinis. Oo, minsan, nag dududa ako sa Dyos. Tinatanong ko ang sarili ko. "Bakit ko sinasamba ang isang nilalang na hindi ko pa nakikita?" Ako rin ang sumasagot. "Marahil may mga bagay sa mundo na itinakda para hindi maabot ng pang unawa ng tao" Ang hangin bang nilalanghap natin ay nakita mo na? Hindi. Pero hindi ka mabubuhay ng wala sya. Ang tubig ba sasagot pag kinausap mo sya? Hindi. Pero hindi ka mabubuhay ng wala sya. Ang pagkain ba ililigtas ka sa kapahamakan? Hindi. Pero hindi ka mabubuhay ng wala sya. ANG LAHAT NG ITO, ANG MUNDO AT ANG TAO AY SIYENSIYA. SIYENSIYA? Sino ang nakadiskubre ng siyensiya? Hindi ba't tao na? Ang siyensiya ba ay matatawag nasiyensiya kung walang gumawa ng siyensiya? Sino ang lumikha ng siyensiya? Sino syang nag umpisa ng lahat? Bukod sa Panginoong Diyos, may naiisip ka pa bang iba? Ang Diyos, hindi natin nakikita pero kahit kailan hindi tayo nawala sa paningin nya. Hindi natin naririnig ang tinig nya ngunit kailan man hindi sya naging bingi sa ating mga daing. Hindi natin sya mahawakan ngunit kailan man hindi sya bumitaw. Kung siyensiya ang gumawa ng milagro kaya tayo nandito bakit hindi nito kayang ibalik ang buhay ng namayapang tao? Sapagkat hindi siyensiya ang nagbigay nito. Ang PANGINOON. Minsan ba naitanong mo na sa sarili mo, na sa dinami-rami ng araw na ikaw ay bumangon, nakapagpasalamat ka man lang ba sa kanya na walang sawang gumigising sayo twing umaga? Na walang sawang ibigay ang mga pangangailangan mo kahit hindi mo pa hinihingi sa kanya? Humingi ka ba ng tawad sa lahat ng kasalanan mo at humiling na gabayan ka nya? Kung hindi pa, ipagpatuloy mo ang pag babasa. Mananalangin tayong magkasama. Panginoong Jesus, maraming maraming salamat sa lahat ng biyayang walang sawa ninyong ipinagkakaloob sa amin. Hindi man kami karapatdapat sa inyong pag mamahal, nariyan pa rin kayo upang kami ay kupkupin. Panginoong Jesus, lubos po kaming nagpapakumbaba at humihingi ng kapatawaran mula sa inyo sa lahat ng aming nagawang kasalanan. Intensyonal man o hindi, patawarin nyo po kami. Linisin nyo po ang aming mga puso at tanggalin nyo ang lahat ng negatibong emosyon na aming kinikimkim. Panginoon, gusto kong magbago. Tanggalin nyo ang lahat ng galit sa aking dibdib. Ang mga plano ng paghihimagsik at mga masamang hangarin. Baguhin nyo ako at hayaang mag simula ulit. Panginoong Hesus, itinataas ko po sa inyo ang aking kinabukasan. Ituwid nyo ang landas na aking nilalakaran. Kayo ang magdesisyon para sa akin. Samahan nyo ko sa aking paglalakbay, Panginoon. Kayo ang mag silbing aking gabay mula ngayon. Panginoon, bagamat ako ay makasalanan, marupok sa tukso at madalas mang manghina ang aking pananampalataya, dalangin kong wag nyo akong bitawan. Wag nawa kayong magsawa na ako ay samahan. Panginoon, kailangan ka ng bayan ko. Ibuhos mo ang pagmamahal at pagpapatawad nyo sa mundo. Hipuin mo ang bawat isa sa amin na maging instrumento mo para makilala ka ng ibang tao. Bigyan mo ang bawat isa sa amin ng sapat na talino upang ihayag ang kadakilaan mo. Mahal naming Panginoon, hindi kami mapapagod sambahin ka. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking biyaya mo ay tatanawin kong utang na loob hanggang sa kamatayan ko. Mag hari nawa ang pagmamahal na unang nag mula sayo sa buhay ng bawat anak mo na nagbabasa ng panalangin na ito. Gamitin mo kami para sa iyong mga plano. Gamitin mo kaming instrumento mo para maging daluyan ng pagmamahal at pagpapala mo sa aming mga anak mo. Panginoong Jesus, sayo ang lahat ng papuri at pasasalamat. AMEN. Dahil uso naman ang CHALLENGE, I challenge all of you, lahat ng naniniwala sa Panginoon, COPY and PASTE this post and make this as your status, tulungan nyo akong ihayag ang kanyang kabutihan. Dalawang segundo lang naman, kapatid! Maraming salamat, Pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoong Jesus!!! #GodisGood